Monday, October 20, 2008

Promdi city




"Promdi city"

Episode aired on October 16, 2008
Airing on October 20, 2008
Monday night after Saksi

Kara David moves into a resettlement site in Cabuyao, Laguna for her upcoming I-Witness documentary.

In a unique social experiment, she discovers what it's like to live in a remote relocation area after having spent years in the big city.

She spends almost a hundred pesos on transportation alone just to get to the site. She is given a unit so bare, it has no water or electricity. Kara spends her first day buying kitchenware, a mattress and charcoal for cooking.

She asks her neighbors for help in finding work. They have jobs cleaning softdrink bottles in a far-off refinery. Instead of spending 80 pesos a day on tricycle and jeepney fare, they leave their homes by 4 am and walk many kilometers to work. After cleaning more than 50 cases of softdrinks, Kara makes P161 pesos.

In between working, Kara meets up with mothers who talk about the difficulties of adjusting to relocation. The common story of provincial lasses seeking their fortune in the big city takes a 180 degree turn with these women who have lived for decades by the railroad tracks and must now learn the basics of rural life. They laugh about learning to plant produce and till the fields for the first time, and discuss the lack of entertainment in their new neighborhood.

Kara David takes a very personal approach to documenting life in a resettlement area. Catch her special episode "Promdi City" this Monday late night on I-Witness.

________________________________________________________________________________

Isang eksperimento ang susubukan ni Kara David sa kanyang dokumentaryo ngayong Lunes. Siya'y makikitira sa malaking resettlement site sa Cabuyao, Laguna kasama ang ilang pamilyang nagmula sa tabing riles. Dito niya mararanasan ang kondisyon ng mga bagong lipat.

Magsisimula ito sa pagco-commute ni Kara galing sa kanyang bahay papunta sa site sa Cabuyao, Laguna baon lang ang P1000. Sa biyahe pa lang, mababawasan na ng isandaan ang pera niya dahil sa layo ng lugar. Pagdating sa unit na kanyang titirhan, malalaman ni Kara na wala itong kasangkapan, tubig at kuryente. Kakailanganin niyang bumili ng mga gamit gaya ng kaldero, baso, higaan, uling, walis at kung anu-ano pa.

Magpapatulong si Kara sa ilang kapitbahay upang humanap ng mapapasukang trabaho. Umaabot ang ang pamasahe ng P80 kada araw papunta sa kanilang papasukan, kaya nilalakad na lang ito nila. Alas 4 ng madaling araw kung umalis ang mga papasok sa Calamba para maglinis ng ni-recycle na bote. Buong araw nagtratrabaho ang mga tao rito para kitain ang P161 sa paglilinis ng daan-daang bote.

Pangkaraniwan na ang kuwento ng mga galing probinsiya na naghahanap ng kapalaran sa siyudad. Marami sa makikilala ni Kara sa Cabuyao, kabaliktaran ang dinanas. Naninibago sila ngayon sa paggapas ng palay at sa buhay magsasaka dahil nagmula sa mga tabing riles ng Makati.

Isang kakaibang pagtalakay sa buhay sa loob ng mga resettlement sites. Ito ang susunod na dokumentrayo ni Kara David para sa I-Witness.

No comments:

Post a Comment

Bookmark and Share

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner