Monday, August 31, 2009

PRESS STATEMENT NG TASK FORCE ANTI-EVICTION – ARAW NG MGA BAYANI




IKA-31 NG AGOSTO, 2009


Sa panahon na may krisis pang-ekonomiya ang buong mundo, MAKATAONG PAMUMUHAY
PARA SA MARALITA ang tugon. HINDI DEMOLISYON.

Inilabas kailan lamang ang Executive Order 803, isang ehekutibong aksyon na nagtakda ng gampaning papel at gawain ng Metro Manila Inter-Agency Committee (MMIAC). Ang itinakdang namumuno nito ay ang Metro Manila Development Authority (MMDA)na ang mandato ay manggiba ng mga bahay ng mga Maralita. Hindi mandato ng MMDA ang magtayo ng disenteng pabahay para sa mga maralita. Mandato ito ng National Housing Authority. May mali sa lipunan natin sa pagtrato sa problema ng panirahanan. Matagal nang isinisigaw ang MAKATAONG PAMUMUHAY PARA SA MARALITA. HINDI DEMOLISYON ANG TUGON SA GUTOM, SA KAWALANG TRABAHO AT SA KAWALANG BAHAY AT LUPA.

Ang E.O. 803 ay taliwas sa kabutihan para sa mga Maralita. Sa representasyon na lamang ng mga Maralita sa MIMIAC na itinakda ng E.O. 803, pakitang-tao lamang ang sinasabi nito. Ang MIMIAC ang magtutukoy ng kinatawan na galing sa Maralita. Bakit ganun? Bakit hindi 50% ng MIMIAC ang boses ng mga Maralita kung para sa mga Maralita nga ang MIMIAC? Kahit na ang manera ng pagdidisisyon sa MIMIAC ay hindi malinaw.

Ang Pasig River ay kadugtong ng ating buhay bilang mga mamamayan at obligasyon nating lahat ang linisin ito. Madumi ito dahil walang maayos na DRAINAGE SYSTEM ANG METRO MANILA. Madumi ito dahil ang mga PABRIKA sa paligid nito ay hindi maayos ang pagtapon ng kanilang dumi. Bakit ang unang iniisip sa paglinis ng Ilog Pasig ay ang paggiba ng mga bahay ng mga Maralita? Kabayanihan ba ito? Kung pupwedeng tumayo sa libingan sina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Tandang Sora at iba pang nagmahal ng bayang ito dadagundong ang sigaw na HINDI. HINDI KABAYANIHAN ANG PAGYURAK SA MGA KARAPATANG PANTAO NG MGA MARALITA.

Kamakailan lamang may mga demolisyon sa Quezon City na hindi sumunod sa isinasaad sa walong MANDATORY REQUIREMENTS ng Urban Development and Housing Act (UDHA). At marami ang nakaambang demolisyon sa mga tinatawag ng gobierno na DANGER AREAS. Gigibain ang mga bahay sa danger areas pero walang programa para sa makataong pabahay. Maling mali ang mga nangyayaring ito. Biruin niyo, pagkatapos gibain ang mga bahay ng mga maralita, ang mga bata ay nagtatanong: Saan po ba tayo titira ngayong gabi? Paano po kung umulan dito sa kalsada?

MAKATAONG PABAHAY, HINDI DEMOLISYON. ITO ANG PANAWAGAN NAMIN NGAYON AT BUKAS.

MAGBUO NG MAS MAKA-MARALITA AT MAKATARUNGANG PROGRAMA PARA SA MGA MARALITA. PALITAN ANG NILALAMAN NG E.O. DAHIL HINDI ITO ANG DIWA NG MAKATAONG PABAHAY PARA SA MARALITA.



TASK FORCE ANTI-EVICTION
IKA-31 NG AGOSTO 2009
ARAW NG MGA BAYANI
c/o COMMUNITY ORGANIZERS MULTIVERSITY
No. 18, Marunong STREET, Barangay Central, Quezon City
Tel. No. 9220246; Mobile Phone: (Jessica) 09297406771

Members of urban poor communities mark National Heroes Day

08/31/2009 | 12:44 PM



100 protesters march toward Mendiola to mark National Heroes Day

08/31/2009 | 10:54 AM

Bookmark and Share

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner