** NEWS RELEASE *** NEWS RELEASE *** NEWS RELEASE **
Bishop Pabillo asked to help evicted Muslim families in Baclaran
15 June 2007. In a desperate move and very rare opportunity, some 332 evicted Muslim families in Baclaran have asked a Catholic Bishop to send their message to President Gloria Macapagal Arroyo and various government agencies.
Led by Abdelmanan Tanandato, president of Samahan Ng Nagkaka-Isang Na-Demolis Sa Roxas Blvd. Baclaran, P.C., Muslim leaders went to Sto. Niño Parish in Tondo yesterday to personally deliver a letter to Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Housing Committee Chairman of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
The leaders are hesitant to directly deliver their letter to PGMA at the Malacañang receiving section for fear that it may only end up in the waste basket. “Humihingi po kami ng tulong sa inyo dahil wala na po kaming maisip na paraan upang makarating sa Pangulo ang aming liham,” Tanandato told the Bishop in a letter.
Tanandato requested Bishop Pabillo to send their message through Malacañang's Religious Affairs Office “Hindi na po kami lumapit sa Office of Muslim Affairs (OMA) dahil ito po ang naging dahilan ng hindi makataong demolition at forcible eviction sa amin,” the letter read.
With an endorsement from Bishop Pabillo, the Muslim families hope to send their message to the government as quickly as possible to prevent bloodshed as a cause of a violent eviction that may be enforce by Special Weapons and Tactics (SWAT) unit.
Despite the P30,000 ‘disturbance pay’ being offered by the Philippine Reclamation Authority (PRA), many Muslim families opted instead to fight for their relocation. As a result, last June 7 several people were hurt as the demolition team and antiriot policemen pushed, shoved and battered their way into the human barricade formed by residents. The residents retreated to the Grand Mosque for sanctuary and struggled for days to save the Mosque from demolition.
At the Office of the Ombudsman and the Commission on Human Rights (CHR) last June 13, Muslim leaders together with the residents’ legal counsel Sultan of Lanao Firdausi Ismail Yahja Abbas filed criminal cases for unlawful demolition, interruption of religious worship, offending the religious feelings, less-serious physical injuries, grave threats and grave coercion, violation of the Anti-graft and Corrupt Practices Act. Charges were filed against Andrea Domingo (PRA General Manager / CEO), Oscar Sanchez (PRA Assistant General Manager), Chief Superintendent Sukarno Ikbala, Police Senior Inspector Lerpon Platon, Police Senior Superintendent Salim Sahiron and Senior Superintendent Marieto Valerio.
Lashing out at the government’s defiance to the CBCP Statement on the Nation’s Housing Problems and for failing to house the poor, the Urban Poor Associates (UPA), a non-government organization that monitors forced evictions, expressed concerns about increasing number of violent demolitions. “Thousands of poor families are being evicted by various government agencies now that the midterm election is over,” said Teodoro Añana, deputy coordinator of UPA.
According to UPA, the following areas seem certain to be cleared of urban poor settlers this year: C5, R-10 Navotas, Northrail and Southrail, Pasig River (10-meter easement) and Esteros.
UPA called on newly elected Senators and Congressmen for total involvement as legislators and housing rights advocates. “We seek improvements in the law but we realize good laws are not enough and that it requires strong political will to achieve results,” Añana said. -30-
*Letter to Bishop Pabillo
June 14, 2007
His Excellency
Most Rev. Broderick S. Pabillo, D.D.
Auxiliary Bishop of Manila
Dear Bishop Pabillo,
Humihingi po kami ng tulong sa inyo dahil wala na po kaming maisip na paraan upang makarating sa Pangulo ang aming liham. Hindi na po kami lumapit sa Office of Muslim Affairs (OMA) dahil ito po ang naging dahilan ng hindi makataong demolition at forcible eviction sa amin.
Umaasa po kami na maipaparating ang aming mensahe kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang maiwasan ang anumang kaguluhan. Balita po kasi namin na lulusubin ng SWAT ang aming Mosque upang puwersahan po kaming paalisin at gibain ito. Hindi po namin masisiguro na walang mangyayaring karahasan pero kung hindi kikilalanin ang aming karapatan at paniniwala, baka po maaaring maging sanhi ito ng pagdanak ng dugo. Sa ngayon po ay binakuran na kami ng barb wire, pinutol ang kuryente at maiinom naming tubig. Maraming mga bata na sa ngayon ang nagkakasakit dahil dito.
Hindi po kami tutol na umalis sa Mosque kung meron po kaming relokasyon na malapit sa aming hanap-buhay at paaralan ng aming mga anak. Importante rin po na may maayos na paglilipatan ang aming Mosque.
Umaasa po kami sa inyong suporta.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
ABDELMANAN D. TANANDATO
Pangulo
Samahan Ng Nagkaka-Isang Na-Demolis Sa Roxas Blvd. Baclaran, P.C.
Bgy. 76, Pasay City
*Letter to the President
Ika-13 ng Hunyo, 2007
Her Excellency Gloria Macapagal Arroyo
President, Republic of the Philippines
Malacañang Palace, Manila
Mahal naming Pangulo,
Umaasa po kami na mabuti ang inyong kalusugan, sampu ng inyong mga mahal sa buhay.
Sumulat po kami sa inyo para humingi ng tulong para sa aming mahirap at maselang kalagayan sa kasalukuyan, lalo na ang aming mga anak, mga kababaihan, at mga nakakatandang miyembro ng aming mga pamilya. Ito ay dahil sa nangyaring marahas, sapilitan, at hindi makataong demolisyon sa aming mga kabahayan noong ika-07 ng Hunyo. Ang masakit pa, pagkatapos ng demolisyon, pinutulan kami ng kuryente at tubig. Hindi kami makapaghanapbuhay at karamihan sa aming mga anak ay nawalan ng pagkakataong makapasok sa eskuwela sa taong ito. Maraming mga bata ang maysakit sa ngayon. Nagsisiksikan kaming tatlong-daang (300) pamilya sa Grand Mosque na nagsisilbing pansamantalang tirahan namin sa kasalukuyan.
Kaugnay po dito, walang pagtutol sa amin na paalisin kami kung may relokasyon sa mga pamilya at sa mosque. Hiling lang po namin na sana mabigyan kami ng pagkakataon ng ating pamahalaan sa pamamagitan ninyo bilang aming Pangulo.
Ang mga sumusunod ay nais naming hilingin sa inyo:
• Mabigyan kami ng relokasyon na malapit sa aming hanapbuhay.
• Irespeto ang presensya ng aming Grand Mosque. Tuparin ang pangakong lugar para sa relokasyon nito. Sang-ayon kami na ito ay ilipat sa Nayong Pilipino. Kung maaari, dagdagan ang laki ng lupa para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan.
• Pagbabalik ng mga batayang serbisyo na pinutol kagaya ng tubig at kuryente. Huwag harangin ang water delivery truck na nagsu-supply ng tubig sa mga residente.
• Agarang pagpapadala ng gamot. Dumarami ang nagkakasakit lalo na ang mga bata.
• Ipatigil ang “harassment” na ginagawa ng PRA o Philippine Reclamation Authority. Tanggalin ang barbed wire na nakaharang sa paligid ng mosque. Delikado ito sa mga bata lalo na kung gabi dahil walang kuryente.
• Hayaang makapagtinda kami sa Baclaran habang hindi pa nakaka-recover sa nangyaring demolisyon. Hiling namin na ipatigil ang mga harassment na ginagawa ng MMDA. Humigit-kumulang 95% sa nademolis na pamilya ay vendors.
• Dagliang makagawa ng mekanismo kung saan makakahabol sa pag-aaral ang humigit-kumulang isangdaang (100) batang mag-aaral. Natigil ito nang mangyari ang demolisyon.
• Habang isinasagawa ang negosasyon, sana ay walang demolisyon sa mosque at huwag paalisin sa aming mga pamilyang pansamantalang nakatira dito.
Umaasa po kami sa inyong suporta at dagliang pagtugon sa aming kahilingan. Marami pong salamat.
Lubos na gumagalang,
Abdelmanan D. Tanandato
Pangulo
Samahan Ng Nagkaka-Isang Na-Demolis Sa Roxas Blvd. Baclaran P.C.
Brgy. 76, Pasay City
Copy Furnished:
Vice President Noli de Castro
Chair
Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC)
Purificacion C. Valera Quisumbing
Chairperson
Commission on Human Rights (CHR)
Percival Chavez
Chairman
Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP)
Dr. Esperanza I. Cabral
Secretary
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Andrea Domingo
General Manager and CEO
Philippine Reclamation Authority (PRA)
Undersecretary Sultan Yahya "Jerry" Tomawis
Executive Director
Office of Muslim Affairs (OMA)
Allan Panaligan
Mayor
Pasay City
No comments:
Post a Comment