Monday, August 27, 2012

Imitating Jesse Robredo


Commentary
By: Denis Murphy
Philippine Daily Inquirer
10:03 pm | Sunday, August 26th, 2012


The praise showered on Jesse Robredo by people from all levels of Philippine society should be a high-volume wake-up call for our political elite. They should be asking, “If I die, will anyone cry for me, as thousands did for Jesse? Will I be sincerely mourned? Will people stand a long time in the rain to get a chance to view my body?” They may very well answer, “Probably not. My family will mourn and a few close friends, but the ordinary people won’t mourn. What have I ever done for them? Why should they mourn?”

We hope the love shown for Jesse in his death will awaken them to the great chance God has given them to serve His people, especially the poor. It’s not only politicians who should examine their lives, of course. We all must do so. Socrates told us, “The unexamined life is not worth living.”

May we suggest some matters that our political leaders can look into should they decide to be more like our late interior and local government secretary?

Please look on the urban poor with the more caring eyes of someone like Jesse Robredo. He found friendship there and people he admired.

Please look at the immediate project Jesse was engaged in with the poor. Initially, it concerns in-city, on-site housing for approximately 5,000 poor families on Manila estero, including the Estero de San Miguel, that runs by Malacañang just a stone’s throw away. Other houses are to be built in Quezon City for families living in Doña Imelda and Gulod. This housing is new. The usual relocation move was to ship families to distant places, such as Calauan 100 kilometers away. Such relocation fractures families and limits children’s education.

Jesse was willing to allow new approaches to housing the poor, which are also recommended by housing experts, including Felino “Jun” Palafox and Dean Gloria Teodoro and Albert Zambrano of the Mapua Institute of Technology School of Architecture. Mayors and government housing agencies have opposed the new approaches because they shatter long-standing arrangements.

As I watched 10 young girls from Estero de San Miguel sing in Malacañang in honor of Jesse, I thought, these young children are as naturally gifted as any other children, but they are from poor families and live in slums, and will never realize their potential. They smile shyly now and cry as they sing “Hero.” What they and the children of our poor farmers, fishermen, tribal people and workers need is a massive shift of resources from some projects the country now supports to the welfare of the poor and near-poor, or at least 50 percent of our people.

Why will we spend approximately P30 billion to build an elevated highway connecting NLEx and SLEx, so people can get from a Clark Field-Subic Bay airport to Makati in less time than it takes now? When such an amount of money will go a long way to meet our school construction needs, provide books for all, and reward good teachers?

Why are we giving 40-80 hectares of land in the reclaimed areas off Parañaque and Pasay to casino gambling? Do we fully realize the social and political dangers of inviting into the country a vast increase in casino gambling? “A bad tree cannot give good fruit.” Instead of casinos, can’t we give 30 or so hectares of the land to our poor?

We ask our political leaders and our business and religious leaders to visit the urban poor areas and get to know the poor as real persons, like Jesse Robredo did. It doesn’t mean we will not see the petty thieves, drunks and cruel people who share the poor areas with the good men and women. We will also see that the poor are often their own worst enemies. They vote for unreliable politicians, for example. Find what is valuable among the poor and why Jesus has anchored our salvation to the help we offer the homeless, hungry, sick and thirsty poor (Mt: 25).

Lastly, Jesse believed that a strong national democracy needs a strong, democratic base among the poor. He would not work for a more prosperous nation without working to bring the poor along as co-beneficiaries with the well-off. If we want democracy, we must work for equality.



Denis Murphy works with the Urban Poor Associates (urbanpoorassociates@ymail.com).

Wednesday, August 15, 2012

Open Letter For Mr. Mike Enriquez of GMA 7


15 Agosto 2012


Miguel Castro Enriquez
Senior Vice-President for Radio
GMA Network

Minamahal naming Ginoong Enriquez,

Pagbati!

Kami po ay mula sa iba’t ibang grupo ng mga maralita na naninirahan sa estero ng Maynila. Kami ay mga masugid ninyong tagapakinig.

Nitong mga nakaraang araw laman ng pahayagan, radyo at telebisyon ang usapin na pwersahang pagpapaalis sa mga maralita dahil kami di umano ang sanhi ng pagbaha sa lungsod. Ito ay bunsod din ng pahayag ng pamahalaan na papasabugin ang mga kabahayan ng mga maralitang hindi sasang-ayon sa paglipat sa mga relokasyon.

Nais po namin ipabatid na kami bilang masugid ninyong tagasubaybay ay labis na nasasaktan sa mga binibitiwan ninyong salitang masasakit laban sa mga kagaya naming maralita. Mariin namin kinokondena ang mga pahayag ninyo tulad ng, “hinayupak kayo! Hindi nagbabayad ng buwis, at kayong mga Iligal settlers dapat kayong pasabugin!.” Ito po ay napakingan namin miyerkules , Agosto 15, 2012, sa inyong umagang programa.

Ang inyong programa ay pinapakingan ng milyung-milyong Filipino at ang mga inilalabas ninyong komento sa radyo ay nakadadagdag ng masamang pagtingin sa mahihirap na katulad namin. Ang anumang mga salitang inyong nasabi ay hindi na rin maaaring burahin sa isipan ng mga tao. Hindi rin namin matangap na ang isang tulad ninyong respetadong broadcaster ay tila hindi pinag-iisipan ang mga gagamiting pananalita sa himpapawid.

Nais namin ipaalam sa inyo ang aming saloobin at mga ginagawa naming hakbang para maitaas ang aming kalagayan:

1. Batay sa isinagawang survey ng Urban Poor Associates, isang NGO na nagsusulong ng karapatang pabahay para sa mga maralita, 74% ng naninirahan sa mga estero ng Maynila ay may mga trabaho. Kami ay mga vendors, ang iba ay mga security guards sa iba’t ibang establisyemento, mga janitors, at iba-iba pa.

2. Ang aming mga lokasyon ay malalapit sa aming mga trabaho at ang aming mga anak ay nakakatapos ng kolehiyo.

3. Bagaman, may ibang walang trabaho kaya hindi nakakapagbayad ng direktang buwis. Sana wag natin kalimutan na bawat binibili naming noodles, sardinas at bigas kahit maliit lang sa iyong pagtingin ay may nakapataw na buwis.

4. Kami ay naninirahan sa mga lugar ng mga maralita ng mahigit pa sa 20, 30 o marami pang taon. Kami ay isang komunidad. Kami ay nagtutulungan sa panahong kami ay may karamdaman. Ang ganitong pagsasamahan o tinatawag nilang “Social Capital” ay hindi basta basta naililipat sa isang  relokasyon kagaya ng Gaya-Gaya o Calauan.

5. Matagal na rin hindi ginagamit ang salitang illegal settlers o squatters sa mga tulad namin dahil ito ay isang uri ng diskrimasyon. Kami ay tinatawag na informal settlers, ibig sabihin matagal ng naninirahan sa mga maralitang lugar. At naaayon sa batas ng Urban Development and Housing Act,  na ang mga kagaya namin ay nararapat ng mapaisailalim sa mga proyektong pabahay ng gobyerno.  Gusto rin namin ipaabot sa inyo na ang mga pabahay ng gobyerno ay hindi libre ito ay binbayaran din ng mga maralita sa mas mababang halaga.

6. Nais din namin kayong maimbitahan sa mga relocation site upang kayo mismo ang sumuri sa mga kalagayan ng pabahay ng gobyerno. Mahinang semento at marurupok na bubong.  Ng nakaraang habagat grabeng pinsala ang natamo ng mga taga-Isla Putting Bato na nailipat sa Rodriguez, Rizal. Lumubog ang kanilang kabahayan sa relocation site. Inilipat sila sa doon dahil danger area daw pero mukhang death zone ang pinagdadalhan sa mga maralita. Walang hanap buhay at nalalayo ang mga pamilya sa isa’t isa dahil kailangan ang ama o ina ay magtrabaho sa Maynila.

7. Ang aming hanay ay nakikipag dyalogo din sa mga kinauukulan upang maisagawa ang on-site na pabahay sa amin. Kasama namin ang Palafox Associates, Mga mahusay na arkitekto  sa pagdesenyo ng pabahay na angkop sa aming lugar. Sa katunayan, ang aming mga lugar ay natukoy na ng pangulong Benigno Aquino para sa on-site housing. Meron na rin inilaan pondo para dito ang pamahalaan. Kami naman ay nag aayos ng mga requirements kagaya ng pagsosoil test, DENR clearance at iba pa.  Inaanyayahan din namin kayo na magtungo sa aming mga lugar at ipapakita namin sa iyo ang mga hakbang na aming ginawa para sa pagsulong ng on-site na pabahay.

Ginagawa po namin ang lahat upang ayusin ang aming pamumuhay. Hindi man magaganda ang aming bahay at nananatili itong eyesore sa mata ng karamihan. Ang loob po ng aming tahanan ay punong-punong ng pagmamahalan, respeto, at nangangarap ng magandang bukas para sa aming mga anak.

Nais po naming ipaalala sa inyo na ang mga binabatikos ninyo sa inyong palatuntunan ay kapwa ninyong Filipino na naniniwala at nakikinig sa inyong programa.

Dahil dito nais namin kayong huminge ng public apology sa lahat ng mga maralita. Naniniwala kami na iresponsableng pamamahayag ang inyong nagawa dahil naapektohan nito ang aming pakikipag-ugnayan sa pamahalaan. Napapalala din ninyo ang stigma sa amin samantalang ginagawa namin ang lahat upang isaayos ang aming kalagayan.

Kami ay umaasa na inyong tutugunan ang aming mga hinaing dahil naniniwala kami na malaking bulto ng pamamayagpag ng inyong programa ay dahil sa aming mga maralitang tagapakinig.

Maraming salamat.


Lubos na gumagalang,

Filomena Cinco
Pangulo
Nagkakaisang Mamamayan ng Legarda

Ricardo Narcilla, jr.
Pangulo
United 311 Chrislam Association

Angelita Marasigan
Pangulo
Nagkakaisang Magkakapit-bahay ng Estero De San Sebastian

Luisito Ramos
Pangulo
Soler Compound Neighborhood Association of Quiapo


Cc:

GMA Chairman and CEO lawyer Felipe L. Gozon
GMA President  Gilberto R. Duavit, Jr

Bookmark and Share

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner